Latest News

LEGAZPI CITY DIVISION LIBRARY HUB, MALAKING TULONG – AYON KAY MAYOR NOEL ROSAL

Inihayag ni Legazpi City Mayor Noel Rosal na malaking tulong sa mga mag-aaral ang Division Library Hub sa lungsod.


Ayon kay Rosal, sa pakikipagtulungan ng city government, Department of Education (DepEd), iba pang mga ahensya de gobyerno at stakeholders ay naipatayo ang aabot sa sampung milyong pisong reading hub.Aniya, ang pondo ng nasabing pasilidad ay sa ilalim ng special education fund.Sinabi ng Alkalde na ang reading hub ay magiging daan upang maging competitive ang isang mag-aaral at mas madadagdagan pa ang kanilang mga kaalaman.Paliwanag ng opisyal, ang mga libro kasi sa reading hub ay hindi pangkaraniwang aklat na ginagamit ng mga estudyante sa kanilang paaralan.Samantala, inihayag naman ni Rosal na bukas sila sa donasyon ng mga up-to-date books upang magamit ng mga mag-aaral sa research at iba pang school works.

ORIENTATION AT LAUNCHING NG LEGAZPI CITY DIVISION LIBRARY HUB, ISINAGAWA KAHAPON

Isinagawa kahapon ang Orientation at Launching ng Legazpi City Division Library Hub sa Department of Education (DepEd) School Division Office sa Barangay Rawis Legazpi City.Nakilahok sa nsabing aktibidad ang ilang mga guro, mag-aaral, kawani at ilang opisyal ng DepEd, mga kagawad ng media at iba pang stakeholders.Ayon kay Nelson S. Morales Jr, OIC Schools Division Superintendent, ang Library Hub ay isang legasiya nya para sa mga bata na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng City Government sa pangunguna ni Mayor Noel Rosal.Aniya, ito ay malaking tulong sa mga mag-aaral dahil makakagamit sila ng aklat kung kelan man nila naisin at ito ay mapapakinabangan ng lahat ng paaralan sa lungsod ng legazpi.Ang konsepto ng reading hub ay magkakaroon ng “mass borrowing” ng mga libro ang isang paaralan para magamit ng mga estudyante at kapag natapos na nila itong gamitin ay maari na itong isauli ng paaralan upang magamit naman ng iba at para makahiram ulit sila ng iba pang libro.Paliwanag ni Morales, itinayo ang nasabing pasilidad upang matiyak na maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang hilig at nakagawiang pagbabasa ng aklat sa kabila ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya.Sa ngayon kasi ay nawiwili nang magbasa ang karamihan sa mga mag-aaral sa internet kung saan hindi lahat ng impormasyon na nakukuha dito ay verifiable.

Total Page Visitors: 42 - Today Page Visits: 1